Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Para athlete humihirit

0 60

Nais na ring sumalang sa Inspire Sports Academy bubble training ng national Para athletes para sa 16th Paralympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang ng Covid-19 sa parating na August 24-September 5 at sa 4th Asian Youth Para Games 2021 sa December 1-10 sa Manama, Bahrain.

Hiniling ni Philippine Paralympic Committee (PPC) president Michael Barredo kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez Miyerkoles, na payaganng pumasok na rin sa bubble ang para player gaya ng ilang elite athletes sa pasilidad sa Calamba, Laguna at iba pang venue sa Metro Manila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasama rin sa mga pinaghahandaan ng mga differently-abled athlete ang 11th ASEAN Para Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sa Dec. 17-23. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.