Abante Tonite Interactive

Mga paraan para mabura ang kalungkutan

456

May ilang simpleng “antidote” na ipi­nayo ang public health educator na si Dr. Rafael Castillo na nasubukan na aniyang effective sa mga pasyente at hindi na kailangang bigyan pa ng mga ­anti-depressants o ma-refer sa mga psychiatrist.

Isa sa magandang antidote ay ang pag-e-exercise araw-araw.

May mga “happy” hormones aniya na tawag ay endorphins na nare-release kapag nag-eehersisyo ang isang tao kung saan daig pa umano nito minsan ang gamot.

Maglista ng 3-5 small tasks na kaila­ngang gawin araw-araw. Pagsapit ng gabi, kapag nagawa ang lahat, purihin ang sarili at bigyan ng reward o maliit na prize.

Punuin ng pasasa­lamat (gratitude) ang isipan. Ilista lahat, ma­liit o malaking bagay na gustong ipagpasa­lamat sa Diyos, gayundin ang mga taong ginamit Niya para matamo ang blessings.

Kung ‘di pa rin ma­ibsan ang kalungkutan sa mga nabanggit na anti­dote, para maagapan ang depression lalo na sa mga may suicidal tendency ay magpatingin na agad sa psychiatrist para makainom ng tamang gamot o anti-­depressants at sumailalim sa psychotherapy.

‘Wag ding kakali­mutang magdasal para mabigyan ng lakas at kayanin lahat ng pagsu­bok sa buhay.