Abante Tonite Interactive

Mga paretirong opisyal, dehado ang publiko

By
264

Dehado ang publiko partikular ang mga taxpayer sa mga opis­yal na paparetiro na pero na itatalaga pa sa matataas na opisyal.

Isang halimbawa ay ang pagtatalaga sa mga hepe ng PNP, AFP at Chief Justice ng Supreme Court.

Kung paparetiro na ang opisyal at ilang buwan na lang ang nalalabi ay hindi na dapat pa maitalaga sa mataas na posisyon.

Luging-lugi kasi ang publiko partikular ang mga taxpayer dahil mas malaki ang benepisyo at pensiyon nito.

Halimbawa ay ang pagtatalaga kay Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro ilang Chief Justice.

Sa October na magreretiro ito at halos 2 buwan na lang ang ilalagi sa puwesto.

Pero pagretiro nito ay ang mga benepisy­o ng Chief Justice ay malaking gastusin na papasanin ng taumbayan.

Ibig sabihin nito ay hindi masyadong napakinabangan ng publiko si De Castro bilang Chief Justice dahil 2 buwan lang ang ilalagi sa posisyon.

Sa mga nakaraang hepe rin ng PNP at AFP ay nanungkulan lang ng ilang buwan pero pagretiro ay ma­laking benepisyo ang makukuha na ang ibig sabihin ay malaking gastusin ng taumba­yan dito.

Walang personalan ito at alam naman natin na prerogatibo ng Pangulo ang pagtatalaga sa sinumang opisyal pero dehado lang dito ang publiko lalo na ang mga nagbabayad ng malaking buwis.

Anuman ang dahilan ng Pangulo sa kanyang desisyon ng pagtatalaga ay hindi na natin ito dapat kuwestiyunin pero sana naman ay maiwasan na pumili sa mga paparetiro nang opisyal upang masulit naman ang benepisyo dito.