Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga pasahero sa LRT-2, bawal na rin dumaldal

0 208

RP

Hindi na rin papahintulutan ang pagsasalita sa loob ng tren ng LRT-2 bilang parte ng protocol para maiwasan ang COVID-19.

Saad sa tweet ng management ng LRT-2, kasama sa ipagbabawal ang pakikipag-usap sa kapwa pasahero at pagsagot sa telepono.

“As an added safety measure to prevent the spread of COVID-19 in LRT-2, we will strictly implement the ‘No Talking’ policy,” ayon sa management.

Kapareho ito ng sitwasyon sa LRT-1 at MRT-3, na pinagbawal din ang pagsasalita matapos na kumalat ang virus sa kanilang empleyado.

Leave A Reply

Your email address will not be published.