Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga pasaway na local chief exec

0 286

Marami ang nadismaya nang maunang magpabakuna itong ating mga lokal na opisyal at ilang indibidwal laban sa COVID-19 kesa sa mga health worker.

Malinaw naman na nakasaad sa priority list na vaccination program na una ang mga medical front liner dahil sila nga itong araw-araw na naka-expose sa virus. Pero makikita mo mga balita, sa social media na nauna pa itong mga mayor. Hindi na nahiya.

Alam naman ng local officials iyan kaya lang talagang sigurong sinadya nila yan, naniniguro ika nga. Pero sana naman isipin mo nila ang kalagayan ng ating mga health workers na nasa peligro ang buhay araw-araw dahil sa pakikipaglaban sa coronavirus.

Lusot sana sila sa pagpuna ng publiko kaya lang, nagpasikat pa sa social media. Kanya-kayang post ng photo sa social na pinapakita na naturukan na sila ng COVID-19 vaccine. Ayan tuloy, nag-back fire sa kanila at hanggang ngayon ay bina-bash pa sila ng publiko.

Mahigit 1.7 milyon ang medical frontliners sa ating bansa at lagpas isang milyon pa lang yata ang bakuna ang nakarating sa bansa. Kung tutuusin kulang pa nga ang bakuna kaya kung sisingit ka pa, eh nakakaawa naman ang ating mga health workers.

Siyempre sa giyerang ito, dapat unahin sila, dapat armasan sila para marpoteksiyunan ang kanilang sarili laban sa sakit na ito dahil patuloy nilang ginagampanan ang kanilang tungkulin na mailigtas ang buhay ng ating mga kababayan na nahawaan na virus na ito.

Parang insulto nga sa ating health workers ang ginawang pagsingit ng mga mayor at governor kasama na ilang VIP tulad na lamang nang nangyari sa actor na si Mark Anthony Fernandez na nauna nang nabakanuhan. Hindi na nahiya di ba?

Eh sa mga komento sa social media, makikita mo dun ang galit ng netizen. Makakapal daw ang mukha at mga walang kahihitayan ang mga ito na inunahan pa ang mga medical frontliner.

Dahil diyan, kumilos tuloy ang DILG at DOH para imbestigahan ang mga makukulit ng local chief execitives na ito. Baka pag nagkataon makasuhan pa sila sa Ombudsman.

May palusot naman sina mayor at gobernor. Para daw ipakita sa publiko na ligtas at epektibo ang bakuna. Pero palusot lang nila iyon kasi ang totoo gusto lang nilang maniguro kaagad kaya sumingit sila. Kaya nga ang tawag sa kanila ngayon, mga “jumpers”.

Para sa kaalaman ng lahat, base sa vaccination plan ng gobyerno, unang-una sa listahan ang ating mga health worker, kasunod ang mga matatanda, persons with comorbidities o iyong may malala ang kondisyon, mga essential worker, kabilang ang uniformed personnel, at indigent population.

Sa ngayon, 508,000 fronline health workers pa lang ang nakakatanggap ngfirst edose ng COVID-19 jabs. Malayo pa ito sa 1.7 milyon na bilang nila. Unang turok pa lang yan at wala pang pangalawa.

Kaya kung mauuna pa ang mga local chief executives at ilang mga kaibigan nilang VIPs, aba’y mahiya naman sila sa ating mga health workers. Huwag naman silang insultuhin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.