Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga pasaway na mga political officer

0 145

Oktubre pa lang inihayag na ng Department of Interior and Local Government (DILG na pahihintulutan ang mass gathering ngayong holiday season, partikular diyan ang pagdaraos ng caroling, family reunion at siyempre ang nakaugalian ng mga Katoliko, ang Christmas party.

Iyan kasi ang panukala ng local government units (LGUs) para mapigilan ang pagkapalat ng coronavirus disease o COVID-19 na patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso sa kasalukuyan.

Lahat naman ay sumusunod maliban sa ilang matitigas ang ulo o iyong tinatawag nating mga pasaway. Katulad na lamang nitong mga political officer ng mga senador at mga kongresista.

Noong nagdaang linggo, may ilang sources akong nakausap at ibinunyag ang ginawang Christmas party ng mga political officer ng mga mambabatas sa isang restaurant na dinaluhan ng 30 hanggang 40 katao.

Pinapayagan naman ang pagtitipon subalit kailangang limitado sa 10 katao. Ang lumagpas dito ay bawal na. Pero sadyang matitigas ang ulo nitong mga political officer ng mga senador at kongresista dahil itinuloy pa rin nila ang kanilang event.

Buti sana kung sandal lang, eh ang kaso tumagal ng apat na oras. At ang nakakadismaya, batay sa nakita sa litraho, hindi nila inobserve ang social distancing. Talagang magkakatabi lang. At masama pa, may ilan ang di nakasuot ng face mask.

SM food to go Banner Ad

Sabi ng source, may go signal daw ng isang opisyal ng Senado ang naturang pagtitipon basta’t huwag lang litratong ilalabas o opo-post sa social media. Kaya lang nagkaroon ng leak ng mga photo at nadiskubre natin na nagtipon nga sa isang Christmas party ang mga political officer na ito.

And take note, present sa party ang isang lady solon na sinasabing sponsor daw ng nasabing event. Huli ka!

Ang nakakalungkot nga lang doon, isang political officer mula sa tanggapan ng isang senador ang nagpositibo sa coronavirus kaya naman pina-home quarantine na ang mga taong nakasalamuha nito.

Sobrang lakas ng loob ng mga political officer na ito, dinaig pa ang kanilang mga boss. Mas astig ika nga. Ang mga tanggapan nga ng kanilang mga bossing ay nagtiis na hindi magkaroon ng party pero sila itong unang sumuway sa kautusang ito.

I’m sure hindi alam ng mga mambabatas ang event na ito ng kanilang mga political officer. Pero sana naman i-reprimand nila ang kanilang mga pasaway na staff otherwise, lalabas na tino-tolerate nila ang ganitong maling gawain.

Walang aksiyon ang Senado sa ginawang Christmas party ng mga political officer dahil sa labas na Senado nangyari ang event kaya dedma lang sila dito. Hindi man ito imbestigahan ng DILG o PNP, isa lang masasabi ko, disgrace ang mga taong ito sa lipunan.

Imagine nagtatrabaho sila sa tanggapan ng mga senador at kongresista pero numero silang lumalabag sa polisiya ng gobyerno. Konting kahihiyan naman please!

Leave A Reply

Your email address will not be published.