Abante Tonite Interactive

Mga pasaway na strike 3 sa hindi pagsusuot ng face mask, kulong! – Galvez

451

Bibilangan ng hanggang strike 3 ang mga pasaway na hindi magsusuot ng face mask na ginawang mandatory ng gobyerno kapag lumabas ng bahay.

Ito ang babala sa publiko ni Secretary Carlito Galvez, Chief Implementer ng National Action Plan laban sa coronavirus disease 2019 dahil may mga mamamayan pa rin na hindi nagsusuot ng face mask sa kabila ng panawagan ng gobyerno na pangalagaan ang kalusugan laban aa COVID-19.

Ayon kay Galvez, aarestuhin, iimbestigahan at ikukulong ang mga recidivist o yaong paulit-ulit na lumalabag sa ipinaairal na panuntunan ng enhaced community quarantine.

” Talagang recidivist, puwede na po nating imbestigahan at ikulong. Yan po ang ano ng PNP. Sa ibang bansa nga, yung mga sumusuway pinoposasan , pinapalo para bumalik sa bahay,” ani Galvez.

Huwag aniyang gawing dahilan ang kawalan ng mabilhan ng face mask dahil maaaring gumawa ng sariling proteksiyon laban sa virus.

“Kailangan po mag-mask pag lumabas ng bahay. Hindi alibi ang walang mabili dahil maaari namang do it yourself mask para maprotektahan ang sarili natin. Dapat maging aware ang publiko na ang COVID-19 ay nakakamatay at highly countagious,” dagdag ni Galvez.

Napatunayan aniya sa pag-aaral ng mga eksperto na ang mga bansang mahigpit na nagpatupad ng face mask ay bumaba ang bilang ng mga tinamaan ng virus, kumpara sa mga bansang hindi nagpatupad nito gaya ng Europa at Amerika.(Aileen Taliping)

Tonite – Wendys Inhouse Ad