Abante Tonite Interactive

Mga pasaway sa Manila Bay

By
268

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalaan ng pondo para magamit sa paglilinis sa Manila Bay.

Kinumpirma ni Budget Secretary Benjamin Diokno na aabot sa P47B ang ilalaan para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.
Gagawin ang rehabilitasyon sa loob ng pitong taon.

Saklaw ng paglilinis at rehabilitasyon sa Manila Bay ay ang pag­lilinis sa mga estero at paglilipat ng mga informal settler.
Kukunin ang pondo ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo sa Road User’s Tax.

Abante Hiring – IT dep

Kasunod ng paghahayag sa mala­king pondong ibubuhos sa rehabilitasyon ng Manila Bay ay inatasan ni Pangulong Duterte sa mga hotel sa paligid ng Manila Bay na mag­lagay ng waste treatment facility kung ayaw na maipasara.

Dapat talagang tutukan ng gobyerno sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga establisyimento sa paligid ng Manila Bay.

Ang hirap naman kasi sa mga opisyal ng gobyerno walang kusang palo.
Alam naman nila ang kanilang mga trabaho pero hindi tumutupad sa kanilang tungkulin.
Tama bang ang Pangulo mismo ang kumilos bago sila umaksyon?

Sana naman ay huwag na nilang hinta­ying magalit pa ang Pangulo bago sila kumilos.

Ang hirap sa ibang opisyal ng gobyerno, kaiingay kapag nagtatrabaho pero ang katotohanan hindi naman sa kanila nagsimula ang paggalaw.
Kung hindi pa napansin ng Pangulo ang nakakadiring Manila Bay ay hindi pa sila kikilos.

Sa panig naman ng mga negosyo sa pali­gid ng Manila Bay, mahiya naman kayo sa balat ninyo.
Tiba-tiba kayo sa kita pero hindi n’yo man lang malagyan ng maayos na dalu­yan ang mga negosyo niyo at sa kawawang Manila Bay ninyo binubuhos.

Mabuti na lamang at nagbanta ang Pa­ngulo na ikakandado niya ang mga pasa­way na mga hotel at iba pang establis­yimento dahil kung hindi ay tuloy ang ligaya ng mga ito habang ang gobyerno ay walang tigil sa pagkilos para maisalba ang nasabing baybayin.