Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga pasaway sa PNP protocol yari

0 175

Ni Nancy Carvajal

Nakatakdang magsampa ng kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga napatunayang ‘highly negligent’ sa pagkamatay ni Police Captain Casey Gutierrez matapos nitong makalanghap ng disinfectant sa isang police-managed quarantine facility sa Pasig City noong Mayo 2020.

“It’s a tragic death, but there was negligence. Investigators are wrapping up the report and will file the case before the year ends,” banggit ng isang NBI insider, na maalam sa kaso, sa Tonite.

Magugunitang noong Mayo 24, nakatalaga si Gutierrez at ilan pang police medical at healthcare personnel sa Philsports quarantine site upang bantayan ang mga COVID-19-positive doon.

Sa dulo ng kanilang duty, nahirapan sa paghinga ang police doctor at tatlo pang police medical staff matapos ng isang sinasabing routine disinfection process. Dinala sila sa police hospital sa Camp Crame.

Namatay si Gutierrez, Mayo 31, sa Lung Center of the Philippines. Samantala, ang kanyang mga kasamahan ay pinalabas ng pagamutan matapos ang masusing pagsusuri.

Naunang tinukoy ng pulisya ang insidente bilang ‘accidental exposure to hazardous chemicals’.

Samantala, napaulat noon na ang chemical disinfectant na ginamit sa Philsports quarantine facility ay iba mula sa isa pang PNP-managed quarantine facility na matatagpuan sa PICC.

Ang mga PICC disinfectant ay hypoallergenic at biodegradable, at ang disinfectant sa Philsports Arena o Ultra ay may ibang service providers.

Leave A Reply

Your email address will not be published.