Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga pasaway sa trapiko nabawasan na

0 134

Magpapasko na naman at ramdam na ramdam na naman natin ang mabigat na traffic kahit saan. Sa pagluwag ng mga alert levels sa kalungsuran, nakikita na natin ang dagsa ng tao kabilang ang mga kabataan na mahigit dalawang taon nakulong sa kanilang mga tahanan sa mga pampublikong mga lugar tulad ng parks at malls. Sa pagdagsa ng mga tao ay hindi maiiwasang paglala ng sitwasyon ng trapik. Malaki ang nawawala sa atin pag tayo ay naiipit sa trapiko.

Mabuti din na nasimulan na sa mga piling siyudad ang No Contact Apprehension Program o NCAP. Sa mga hindi nakakaalam, ang NCAP ay isang makabagong sistema ng paghuli sa mga drayber at sasakyan na lumalabag sa batas trapiko sa pamamagitan ng mga high tech CCTV cameras na nakakalat sa buong siyudad. Itong mga camerang ito ay may kakayanan na kumuha ng larawan ng plaka ng sasakyan habang ito ay kasalukuyang lumalabag sa batas trapiko. Itong larawan ay ipapadala sa nakarehistrong drayber ng sasakyan bilang isang Notice of Violation kung saan ay maaaring bayaran ng may-ari ng sasakyan ang multa o kwestyunin ang notice. Mahihirapan din naman magpaliwanag ang naturang may-ari o drayber kung malinaw naman ang ebidensya sa larawan pero itong pag tutol ay natural na kasama sa due process.

Sa siyudad ng Maynila, ang NCAP ay pinasinayaan noong Disyembre 2020. Wala pang isang taon na ito ay ipinapatupad pero kita agad ang positibong epekto nito sa sitwasyong pantrapiko ng lungsod ng maibaba nya ang mga paglabag sa batas trapiko ng 65%. Noong unang buwan lamang ng pagpapatupad nito, nakahuli na ang NCAP ng halos 15,000 traffic violations. Kabilang sa mga violations na nahuli ay ang hindi pagsunod sa traffic light signals, pagwawalang bahala sa mga lane markings sa daan, at reckless driving.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2019 bago magpandemya, tinatayang P3.5 bilyon ang nawawala sa ekonomiya sa pagkakaantala sa trapik. Ayon din dito, tinatayang kakailanganin ng dalawang oras na allowance para makarating ka sa iyong paroroonan at kung susumahin ay dapat maglaan ng apat na oras kada araw ang isang tao para lang sa biyahe papunta at pabalik ng bahay. Napakalaking kawalan ang oras na nasayang sa pagkakaantala sa trapik na hindi na maibabalik pa.

Mahalaga ang oras nating lahat. Ang iginugugol natin sa pag himpil sa trapiko ay malaking aksaya sa oras na pwede sana nating magamit sa mga ibang mas makabuluhan na paraan tulad ng pag-aaral para sa mga estudyante, pag-relaks at pag pahinga para sa mga pagod sa trabaho na empleyado, at higit sa lahat, ang pag-aaruga at pagtamasa ng ating mga mahal na pamilya.

Ngayon na maituturing pa ding panahon ng pandemya, higit na kailangan natin na maramdaman ang samahan at pagmamahal ng ating mga mahal sa buhay. Ang maayos na sitwasyon ng trapiko ay makakatulong ng husto sa ating pagkamit ng maayos na balanse sa trabaho at personal na buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.