Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga patay sa voters list `di basta mabubura

0 54

Hindi na maaaring burahin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga patay nang botante ngayong nalalapit na ang halalan.

“Dumating tayo sa point, February to March na nagke-cleansing process ang Commission, at kung `yong mga kandidato at mga representative ng mga political parties or citizens arm na present during the cleansing sa bawat city, bawat municipality’s Office of the Election Officer ay ‘di sila nakapag-object sa pangalan ng isang kandidato na maaaring namatay na o andiyan pa rin sa kasalukuyan sa listahan, then until today andiyan sila sa listahan,” sinabi ni Commissioner George Erwin Garcia.

Ayon kay Garcia, ang tanging pagbibigay-alam lang ng kaanak ay hindi na uubra para burahin sa voters list ang isang pumanaw na botante.

“Hindi rin po gagawin `yon ng (election officer) dahil sa Republic Act 8189 natin, `di pinapahintulot `yong ganun, `di pupuwede rin na porke’t nagsabi `yong asawa, anak, o tao, magulang, nagsabi namatay na `yan, automatically tatanggalin,” sabi ni Garcia.

Mandato aniya ng Comelec na alisin ang mga pumanaw nang botante batay sa ceritication ng civil registrar.

“Under Republic 8189 or the continuing registration law, the Comelec will really rely on the certification to be issued by the civil registrar of the municipalities or cities doon sa kung saan andiyan nakatira `yong mismong namatay,” dagdag ni Garcia.

Mungkahi ni Garcia na kailangang gumawa ng batas ang Kongreso para mabura sa listahan ang mga patay nang botante. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.