Abante Tonite Interactive

Mga payo at remedyo ‘pag nagkasingaw

By
417

Ayon kay Doc Willie Ong, na isang dalubhasang cardiologist and internist kung saan isa ring health columnist ng Abante na ‘Payong Patok,’ para maiwasan o gumaling agad ang si­ngaw ay sundin ang mga sumusunod:

 Piliin muna ang malambot na pagkain tulad ng lugaw.

 Umiwas sa maaasim, maaanghang at maaalat na pagkain.

 Umiwas din sa matitigas na pagkain gaya ng mga chips.

 Mag-try ng ibang toothpaste. May ibang toothpaste na matapang ang sangkap.

 Gumamit ng mouthwash para mapatay nito ang bacteria at mikrobyo sa bibig.

 Makakatulong ang pagpahid ng Solcoseryl Ointment, 3-5 beses sa singaw.

 Ipaayos sa dentista ang matatalas na ngipin na nakakasugat sa gilagid.

 Ang pagkain ng yogurt 2 beses sa maghapon ay nakapagtatapal sa sugat ng mga singaw.
 Uminom ng multivitamins na may vitamin B at zinc.

 Makakatulong ang pagkain ng pakwan pero hindi gamot ang calamansi, tawas at asin.
 Magpahinga at kumain nang sapat.

Kung ‘di magamot at pabalik-balik na ang singaw ay magpasuri na sa doktor.