Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga PBA draftee ‘di dadaan sa D-League

0 131

Smart Clark Giga City – Hindi na magiging requisite ng pagpapa-draft sa PBA ang paglalaro sa D-League.

“Tatanggalin na ‘yung application ng D-League,” pahayag kahapon ni commissioner Willie Marcial. “Wala nang pre-requisite na D-League.”

Sa Lunes, December 7, ay maglalabas na ng applications ang liga para sa mga rookie hopefuls, pagsasabayin na ang deadline ng submission ng application forms para sa local at foreign-born players.

“January 27 deadline for both local and Fil-Ams,” dagdag ni Kume.

Pinaplantsa pa raw kung paano ang drafting, kung paano ang sa Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Noong nakaraang taon ay nagkaroon ng Special Draft bago ang Draft proper. Ang limang hinugot sa special proceedings ay naging core muna ng pool ng Gilas Pilipinas – magsisilbi sila sa National team bago pumanik sa kani-kanilang mother teams sa PBA.

“Hindi pa natin alam kung sino ang papasok (sa draft),” paliwanag ni Marcial. “Hindi pa alam kung ‘yung mga (naunang lima) ire-release na nila. ‘Pag nakuha namin ‘yung lineup, magmi-meeting pa ulit kami.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.