Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga PBA player balik gym – Gab

0 233

Anumang araw ngayong linggo ay puwede nang umpisahan ng PBA ang workout ng players.

Binanggit ni GAB chairman Baham Mitra na mula kahapon ay asahang darating na sa tanggapan ni commissioner Willie Marcial ang joint administrative order para sa conditioning workouts. Lahat ng session ay mahigpit na babantayan ng GAB.

“Next week, ako tingin ko practice na PFF at PBA,” ani Mitra sa online edition ng The Chasedown.

Kasabay ng basketball, binigyan na rin ng go-signal na magpa-ensayo ang Philippine Football Federation.

“Wednesday, Thursday, Friday, they could start,” dagdag ni Mitra. “Basically, it’s already out. It’s (JAO) finished. Next week balik-practice na PBA, PFF.”

Dapat ay noong nakaraang linggo pa lalabas ang JAO pero hapon na raw dumating sa tanggapan ni PSC chairman Butch Ramirez kaya hindi napirmahan.

Nakapaloob sa JAO ang rules and regulations na inihanda ng DOH, PSC at GAB at aprubado ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Sa ilalim ng JAO, apat na players ng bawat team at isang trainer na mahigpit na imo-monitor ng isang health officer ang papayagang pumasok sa practice facility.

(Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.