Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga PBA player balik praktis na

0 334

Excited ang lahat ng players at coaches sa unang balik sa practice ng 12 teams ng PBA pagkatapos ng limang buwang pagkagarahe dahil sa coronavirus.

Mula March 11 nang itigil ni commissioner Willie Marcial ang Philippine Cup, nitong Martes na lang ulit nakatapak nang gym na sabay-sabay ang players.

“Mula 7 (a.m.) hanggang maghapon na ‘yun (workout),” ani Marcial nitong Martes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tulad ng napagkasunduan sa protocol, tig-apat na players lang ang pinayagang pumasok ng practice facility kasama ang isang trainer at isang health officer. Pagkatapos ng unang grupo, dinis-infect ang gym bago pinapasok ang susunod.

Share sa Upper Deck ang Ginebra at Phoenix, solo ng Alaska ang Gatorade Hoops sa Mandaluyong. Nasa Reyes Gym ang Rain or Shine Elasto Painters ni coach Caloy Garcia at sa FCL Gym ang NLEX Road Warriors ni coach Yeng Guiao. (Vladi Eduarte)

26 PBA practice TONITE Sports page 8 (w/picture)

26 PBA practice caption: Ilan sa Ginebra players sa praktis nitong Martes sa Upper Deck sa Pasig.

Leave A Reply

Your email address will not be published.