Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga PBA team balik ensayo sa Mayo 18

0 234

UUMAASA ang Philippine Basketball Association (PBA) na makakapagsimula ito ng kumpletong prakits at scrimmages simula sa pinakamaagang petsa na Mayo 18 sakali maimplementa ang mas istriktong mga health protocol.

Kinumpirma ni PBA Commissioner Willie Marcial na ang pro league ay binigyan ng clearance noong Biyernes ng Inter Agency Task Force (IATF) para makapagsimula ng buong praktis sa lugar na General Community Quarantine (GCQ) at MGCG subalit sa ilalim ng istriktong guidelines kumpara sa nakaraang taon na bubble sa Clark.

Ipinaliwanag ni Marcial na itatakda ng PBA sa lahat ng koponan na sumailalim sa RT-PCR swab testing dalawang beses bago magsimula ng praktis, pitong araw bago at dalawang araw bago magpraktis.

Ang regular testing ay dapat din isagawa kada 10 araw, o mas mababa sa 14-araw na sa pagitan ng testing sa nakaraang bubble.

Isinumite ng liga ang protocols noong Miyerkoles sa IATF, ang hiling ng PBA na payagan na makapagsimula ng ensayo ay inaprubahan sumunod na araw.

SM food to go Banner Ad

“Sinabi natin ang mga protocols. Sinabi namin na bago mag-practice, iba na ang swab testing natin. Seven days before practice, test ka. Two days before practice, test ka at naka-isolation ka rin,” sabi ni Marcial.

“Dati every 14 days ang swab testing. Ngayon every 10 days na, kung seven days, magsisimula tayo by [May] 10 [testing], siguro by May 18 magsisimula na tayo.”

“Sinabihan ako ng Office of the President na okay sa Task Force pero hindi ko pa alam kung papaano. Basta okay ang scrimmages. Okay ang practices. Kausap ko si Chairman (Baham) Mitra kanina na sinasabi niya, ‘Sige gagawa kami ng protocols,’ sabi pa nito.

“Pag-uusapan pa namin ‘yung protocols at kung ano ang mga kundisyon nila. Pero ang magandang balita, pinayagan na tayo mag-scrimmage at practices. Hindi lang natin alam kung saan,” ayon pa kay Marcial. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.