Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga PBA team puwedeng mag-ensayo sa MGCQ area

0 169

Maaaring magsagawa ng practice ang bawat PBA team, pero hindi sa Metro Manila.

Ayon Martes kay PBA commissioner Willie Marcial, papayagan ang 12 koponan na magkaroon ng bubble practice sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Saad ng commissioner, kailangan munang humingi ng permiso ng mga koponan sa Inter-Agency Task Force at pumasa sa Games and Amusements Board ang gagamiting training facility bago payagan ng liga.

“Gusto namin makita ang protocols ng LGU, at pag-aaralan namin,’Pag okay, pwede sila mag-practice,” ani Marcial sa online Philippine Sportswriters Association na mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media .

Kasabay nito, pinahayag din niyang naawat ng PBA ang mga posibleng game fixing at point shaving dahil sa hakbang nilang maglagay dati ng ilang National Bureau of Investigation (NBI) agent para mamonitor ang mga kahina-hinalang kilos ng sinuman sa mga laro.(Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.