Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga PCG officer nadale ng pyramiding

0 283

Iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isa sa kanilang tauhan at civilian partner nito, na umano’y sangkot sa isang investment scam sa kanilang hanay.

Kinilala ang iniimbestigahang si Seaman 2nd Class Jurin Demsio na kasama ng kanyang partner ay nagpasimula ng ‘easy money machination’ sa mga miyembro ng PCG Task Force Bayanihan Returning Overseas Filipinos (BROF).

Pinabibilisan ni PCG Commandant, Admiral George Ursabia Jr., ang imbestigasyon para makulong na ang dapat na maparusahan.

Sinabi ni PCG Spokesperson, Commodore Armando Balilo, na ang nasabing enlisted personnel ay nasibak na sa pwesto.

Anim na indibidwal ang nagreklamo laban sa PCG enlisted personnel. Sa tulong umano ng sibilyan ay nakumbinsi ang mga ito na maglabas ng pera at mag-invest.

Hinikayat din niya ang lahat ng Coast Guard personnel na panatilihin ang dignidad ng organisasyon.

“We also need the cooperation of our people to shun pyramiding schemes and other illegal ventures, not only to protect themselves, but more importantly, to preserve the public image of the humanitarian armed service they are part of,” ani Baliko. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.