Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga PDEA agent sa McDo ratratan na-COVID

0 593

Ni Nancy Carvajal

Nabitin ang nakatakdang interview o pagtatanong ng National Bureau of Investigation sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sangkot sa naganap na McDo shootout kamakailan sa pagitan ng Quezon City Police District sa Commonwealth Avenue, Quezon City nang magpositibo sa COVID-19 ang mga ito.

Sa kabila nito ay gumugulong pa rin ang imbestigasyon. “Only the interview with PDEA agents is halted, other aspects of the investigation are ongoing,” sambit ng isang source na tumangging magpatukoy.

Ayon pa sa source ay mahalaga ang papel at testimonya ng mga PDEA agents upang matukoy ang ugat ng krimen at ilan pang naging senaryo.

Noong nakaraang linggo ay napaulat na dinapuan din ng virus si PDEA head Wilkins Villanueva na naka-quarantine ngayon gayundin si PNP chief Debold Sinas.

SM food to go Banner Ad

Ipinagpaliban ng Senado ang imbestigasyon sa shootout sa pagitan ng mga ahente ng narcotics habang hinihintay ang resulta ng NBI probe.

Inawat din ni Pangulong Duterte ang PNP at PDEA sa pag-iimbestiga sa kaso sa halip ay sa NBI lang ito pinahawakan.

Ngayon ay hawak ng NBI ang mga kuha ng CCTV, affidavit ng mga saksing sibilyan, baril at cellphone ng mga sangkot maging ang dalawang sasakyan ng PDEA na tinamaan ng mga bala.

Nangyari ang insidente nitong Pebrero 24 na ikinasawi ng 2 pulis, isang ahente ng PDEA at sinasabing isa nilang tipster. Ilan din sa mga PDEA agents ay nasugatan matapos umanong bugbugin ng mga rumespondeng pulis.

Inatasan naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang NBI na bigyang prayoridad ang nasabing kaso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.