Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga PDEA agent sa MCDO shootout Tinorture

0 145

Ni Nancy Carvajal

Nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos umanong bugbugin at hatawin ng mahabang baril ng mga tauhan Quezon City Police District (QCPD) ang mga rumespondeng Philippine Drug Enforcement Agents (PDEA) sa nangyaring engkuwento sa McDonalds at sa labas ng Ever Gotesco Mall sa Commonwealth nitong Pebrero 24, 2021.

Bukod sa tinamong major injury, tatlo dito ay sumailalim sa brain surgery.

“Basag ang mga skull and kahit yung PDEA agent na babae pinalo rin sa mukha, as shown in the video,” pahayag ng isang source sa Politiko.

Lumitaw din sa video na pinakita at ibinigay sa Politiko, na pinatayo at pinahilera ang mga ahente ng PDEA habang sila ay kinapanayam ng mga pulis.

Napag-alaman pa sa source na dumating sa pinangyarihan ng krimen ang ilan sa mga matataas na opisyal habang kasagsagan ng barilan subalit wala umanong aksyon na ginawa ang mga ito o hindi man lang nag-utos ng ceasefire o tigil-putukan.

Tumagal ng halos isang oras ang palitan ng putok ng magkabilang panig na nauwi sa pagkakasawi ng apat na katao kabilang ang isang PDEA informant.

Magugunitang nagkabarilan ang PDEA agents at mga operatiba ng QCPD na pareho umanong nagsagawa ng buy bust at sinasabing kapwa lehitimo ang operasyon.

SM food to go Banner Ad

Ebidensya ng sell-bust ilabas – Villanueva

Handa umanong magbitiw sa kaniyang tungkulin si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Wilkins Villanueva kung mapapatunayan na ang kanyang mga tauhan ang nagbenta ng iligal na droga sa buy-bust operation na nauwi sa engkwentro sa pagitan ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa McDonalds sa labas ng Ever Gostesco Mall sa Commonwealth nitong Pebrero 24, 2021. Kasabay nito ay hinamon ni Villanueva ang mga nagsasabing nagsagawa ng ‘sell bust’ ang PDEA agents sa mga operatiba ng QCPD Special Operation Unit na patunayan at maglabas ng sapat na ebidensiya o CCTV.

“Magsasalita ka kung may makikita kang ebidensya na nandyan. CCTV ang patunay. Magpalabas sila ng CCTV na nagbentahan ang PDEA at pulis. Magreresign ako right now. Magpalabas kayo ng ebidensya na CCTV na nagbenta ang PDEA at kayo ang bumili. Doon kaso na ‘yun. I will resign immediately,” hamon ni Villanueva sa isang panayam sa telebisyon.

Binigyang diin ng PDEA chief na mahigipit niyang ipinagbabawal ang sell-busts dahil ito ay iligal.

“National Bureau of Investigation ang nagsabi, ‘Nasaan ang droga, nasaan ang pera, at nasaan doon ang ebidensya? Kasi nga sinasabi noong press conference. Huwag muna tayong magsalita kung walang ebidensya kasi hearsay lang ‘yun,” giit pa ng PDEA chief.

Magugunitang nagkabarilan ang PDEA agents at mga operatiba ng QCPD na pareho umanong nagsagawa ng buy bust at sinasabing kapwa lehitimo ang operasyon. Sa naganap na barilan, dalawang pulis ng QCPD ang namatay at dalawa rin umano ang nasawi sa panig ng PDEA.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at ipinasusurender sa PNP at PDEA ang kanilang mga ebidensiya. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.