Abante Tonite Interactive

Mga pekeng gamot ng Unilab nasamsam

By
1,167

Nasa P5 milyong halaga ng mga pekeng gamot ang nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) nang salakayin ang isang apartment sa Brgy. 178, Camarin, Caloocan City dakong alas-tres ng hapon kamakalawa.

Sa ulat ng NBI, kanilang sinalakay ang isang bahay sa ikalawang palapag ng isang apartment sa nasabing barangay sa bisa ng search warrant.

Puwersahan nilang binuksan ang pintuan nito na noong una ay walang sumasagot kahit malalakas na ang kanilang pagkatok. Nang mabuksan ay doon tumambad sa mga awtoridad ang milyon-milyong halaga ng mga pekeng gamot ng Unilab para sa sipon, lagnat, ubo, impeksiyon at iba pa katulad ng Neozep, BioFlu, Biogesic at iba pang gamot.

Napag-alaman kay NBI-National Capital Region Director ­Cesar Bacani na sasampahan ng kasong pag­labag sa Intellectual Property Code of the Philippines ang may-ari ng sina­lakay na apartment na hindi muna pinangalanan ng mga awtoridad.