Mga pekeng kaibigan ligwak kay Pokwang

1,452

Natawa kami sa sagot sa amin ni Pokwang na hindi kami kasama sa kanyang mga pekeng kaibigan.

Na-curious kasi kami sa tweet niya na wala na siyang time for fake friends. Work, bahay, Malia, family at negosyo na lang daw siya from now on.

Masarap daw sa buhay at nakakagaan na walang fake friends, sey ni Pokie sa kanyang tweet.

“Hindi kayo powerful, si God lang! Bahala na kayo sa trip n’yo!” sey niya pa.

Nang usisain namin si Pokie kung sino ang pinatutungkulan niya nu’ng hanash niyang ‘yon tungkol sa fake friends, ang sagot niya sa amin ay, “Huwag mo na alamin. Ang importante, hindi ka kasama do’n. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Ano bang ginawa sa kanya ng mga huwad niyang kaibigan na ‘yon?

“Basta, okey na ako, mareh. Natanggal ko na ang mga maskara nila, ‘yun na!

“Trabaho, bahay, negosyo na lang ako ngayon. Wala na ako pakels, tutal ganyan din sila sa akin. Ha! Ha! Ha! Ha! Eh ‘di patas na lang! Keber!!!!” dayalog pa sa amin ng Kapamilya comedienne via text message.

Huling napanood si Pokie sa MMFF movie ni Vic Sotto last year na “Mission Unstapabol”. Sa TV ay mukhang wala siyang show ngayon, kaya ang nabanggit niya lang ay trabaho, bahay at negosyo.

Buti na lang ay abala si Pokwang sa kanyang home-based business kaya kahit walang taping o shooting ay may pinagkakakitaan siya.

Mabenta ang kanyang bottled na PokLee Laing, Garlic Aligue, Chili Garlic Aligue at Espesyal Suka.

Puwede na raw itong mabili ngayon sa may food court ng Robinsons Magnolia at kung saan-saan pa.

In fairness ay ang sarap talaga magluto ni Pokie kaya natuwa kami na ginawa na niyang negosyo ‘yung laing niya na isa sa mga specialty niya.

Active din sila ng dyowa niyang si Lee O’Brian sa kanilang YouTube channel na PokLee Cooking.

Actually, mas bongga kung magkakaroon ng sariling restaurant si Pokie para doon na siya pupuntahan para matikman ang masasarap na luto niya.

Push mo ‘yan marsh, ngayong 2020! PAK!!

Alex pinagdudahang buntis

Kalerky ‘yung reaksyon ng ibang netizens na baka raw buntis na si Alex Gonzaga kaya parang minamadali ang pagpapakasal nito.

Kaka-announce lang daw kasi ng engagement nito with non-showbiz boyfriend Mikee Morada ay nakahanap na agad ng wedding gown si Alex.

Sa IG Stories ni Toni Gonzaga ay may update na nag-fitting na si Alex at na-finalize na nila ang dress na susuotin nito sa kasal (na ang hula ng fans ay Vera Wang).

May mga humirit na baka buntis na si Alex kaya nagmamadali, pero may nagtanggol din dito na ‘pag preggy ay huli ang pagpapa-book ng wedding gown dahil nga magbabago pa ang katawan ng bride.

At saka kilala raw ang pamilya nina Toni na against sa pre-marital sex kaya malabo raw na buntis na si Alex.

Oh well, kung preggers man ang 32-anyos na vlogger-actress-host ay hindi naman big deal ‘yon dahil nasa edad na ito at 3 years na rin sila ng boyfie niyang si Mikee at ngayon nga ay engaged na.

Isa pa, a baby is always a blessing. Huwag din daw palaging iisipin na porke gusto nang maikasal ‘yung babae ay buntis na kaagad.

Naaliw kami sa hirit na nagmamadali raw si Alex dahil baka magbago pa ang isip ni Mikee. Ha! Ha! Ha!

Hindi ba puwedeng madatung lang kasi si Alex kaya hindi na kailangang mag-ipon at kaya na niyang bumili kaagad ng gown na gusto niya?!

PAK!!

Mark nanghihingi ng dasal sa ama

Biglang naging solid black ang display pic at profile pic ni Mark Bautista sa lahat ng social media accounts niya kahapon, tapos ay sunod-sunod na ang pagku-condole sa kanya ng mga kaibigan niya.

Ang huling tweet ni Mark before that ay nanghihingi siya ng dasal para sa kanyang ama dahil nasa ospital raw ulit ito.

Sobrang nakakalungkot lalo pa’t aligaga si Mark sa paghahanda para sa pre-Valentine concert niya with Christian Bautista and Aicelle Santos.

Knowing how professional Mark is, kahit may personal na pinagdadaanan ay hindi ito magpapabaya sa February 1 sa “1 For 3” at ibibigay pa rin nito ang kanyang best.

Malamang ialay ni Macmac ang kanyang performance that night sa The Theatre at Solaire sa kanyang mahal na ama…

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...