Abante Tonite Interactive

Mga photography course sa Fort Santiago patuloy

187

Ipagpapatuloy ng Federation of Philippine Photographers Foundation (FPPF) ang pagdaraos ng photography courses para sa mga hobbyist at professional photographer sa Fort Santiago sa Intramuros, Manila.

Makakaasa ang mga magpapatala sa basic photo course na madali nilang matututunan ang photography at higit na mapapalawak ang kanilang kaalaman kung kukuha pa sila ng mga kurso para sa professional photographer.

Ang basic photo courses ay para sa mga baguhan at special courses sa mga professional photographer.

Sa mga baguhan ay may isang lesson plan upang matutunan nila ang paggamit ng camera at makakuha ng litrato sa loob lamang ng 5 araw or 40 oras. Para sa corporate employers, mas maiksing oras sa paggamit ng camera na ang resulta ay tamang pagkuha ng litrato.

Gaganapin ang susunod na 5 Sabado basic photography seminar umpisa sa Pebrero 15 samantalang ang weekday sa Pebrero 10-14. Special courses: Lighting Essentials, Pebrero 29 and Marso 1; Wedding, Marso 28-29; Cruiseship, Pebrero 16; Lightroom, Pebrero 15; Photoshop, Marso 28.

Para sa iba pang impormasyon, tawagan ang FPPF c/o Kim Salvador/Mae Murphy, Femii Bldg., A. Soriano St., Intramuros, Manila. Tel. 8524-7576/8528-0371 o bisitahin ang www.photoworldmanila.com.