Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga piitan ng BJMP COVID-free na

0 78

Inihayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na coronavirus-free na ang lahat ng kanilang mga piitan sa bansa.

Ayon kay BJMP Spokesperson Major Xavier Solda, sa ngayon ay walang naitalang COVID-19-positive sa mga bilanggo na nakapiit sa kanilang mga kulungan.

Umaasa naman ang BJMP na sana ay magtuloy-tuloy na ito at wala nang mga preso na mahawaan pa ng naturang sakit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, nagpaalala naman si BJMP chief Jail Director Allan Iral sa mga BJMP personnel na huwag maging kampante at patuloy pa ring maghigpit sa pagpapatupad ng health and security protocols sa kanilang mga opisina at pasilidad.

Aniya ang Prevent, Detect, Isolate, Treat at Reintegrate na paraan ng Department of Health ay isang epektibong gabay para sa COVID-19 management.

“Even with a zero record on COVID-19 cases in our jails, we will continue to strictly implement our health protocols to ensure the health and wellness of PDL under our care.” (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.