Abante Tonite Interactive

Mga pinamili i-disinfect – DTI

569

Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na kailangang i-disinfect pagdating sa kanilang bahay ang mga pinamili sa grocery.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, siguraduhin ng mga consumer na pagdating sa bahay ay huwag muna ihalo ang mga piamili sa grocery sa dating mga binili upang makaiwas na dapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Payo pa ni Castelo sa mga mamimili na kahit regular na nagdi-disinfect ang mga grocery store ay dapat na maging maingat pa rin sa pag-uwi ng kanilang mga ipinamili.

“Ako ang ginagawa iniiwan ko muna sa labas ng bahay ang mga pinamili ko, tapos i-disinfect ko bago ipasok sa loob ng bahay,” sabi ni Castelo.

Pinaalalahanan din ni Castelo ang mga grocery store na mag-disinfect araw-araw. (Elech Dawa)

Tonite – Wendys Inhouse Ad