Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga pinatay na baboy babayaran ng DA

0 36

Nangako ang Department of Agriculture (DA) na babayaran na nito nang buo lahat ng mga magsasakang pinatayan ng alagang baboy dahil sa African swine fever (ASF).

Prinesyohan ng DA ng P5,000 ang kada ulo ng baboy na kinitil dahil sa ASF. Nasa 92,200 baboy ang pinatay.

Sabi ng DA, P2.16 bilyon na ang natanggap nitong request para mabayaran ang mga napatayan ng baboy.

SM food to go Banner Ad

Halos P1.7 bilyon na anila ang binayaran nito sa 48,530 magsasakang pinatayan ng 379,420 na mga baboy. Sa halagang P5,000 kada ulo, 339,400 lamang na ulo ang mababayaran para sa buong indemnification dahil sa ASF. Kung binayaran naman lahat ng mga baboy na pinatay, papatak na P4,473 lamang ang binayad sa bawat ulo o kulang ng mahigit P500 ang binayad sa bawat ulo.

Hindi nilinaw ng DA kung installment ang naging bayad sa iba o kung may 40,020 ulo na hindi binayaran dahil kulang ang pondo. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.