Abante Tonite Interactive

Mga Pinay Top 20 viewer ng PornHub

0 207

Pasok ang mga Pinay sa Top 20 listahan na inilabas ng adult video streaming site na PornHub na pinakamadalas na nanonood sa kanilang website.

Sa pag-aaral ng PornHub, naitala nito ang mga madalas na panoorin ng kanilang mga female visitor. Ayon sa listahan ng mga pinakapinapanood ng kababaihan, madalas na mga Japanese porn ang gustong panoorin ng mga Pinay, at nakakuha rin ng 233% na viewership para sa romantic category kung saan nahigitan nito ang iba pang viewer.

Bukod dito, mas pinipili rin umano ng mga Pinay ang mga ‘Behind the scene’ category kung saan nakakuha ito ng 204% at huli ang ‘Verified couple’ na may rate na 160%.

Sa 2018 review ng PornHub, lumabas na kabilang ang mga viewer mula sa Pilipinas sa mga pinakamaraming oras na iginugugol sa nasabing website.