Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Pinoy baller dagsa sa abroad

0 355

Dumadami ang Pilipino basketball players na nagdadala ng kanilang talento abroad.

Si Thirdy Ravena, Asian import ng San-en NeoPhoenix sa Japan B League.

Si Fil-Kiwi Ken Tuffin na naglaro rin dati sa FEU, miyembro ng Taranaki Mountainairs sa New Zealand NBL.

Nasa G League sa US si Kai Sotto bilang manlalaro ng Select Team habang hinahabol ang pangarap na makarating sa NBA.

Kelan lang ay napaulat na may international teams din na interesado kay Greg Slaughter, ang 7-foot-2 slotman ng Ginebra na hindi pumirma ng kontrata at nasa US.

Related Posts

Pasasaan ba, babalik din ng bansa ang Pinoy talents na ito. Kalaunan, magiging kapaki-pakinabang pa sila sa Philippine basketball.

“Pagbalik ng mga ‘yan, siguradong ang tindi ng kompiyansa nila,” lahad ni NorthPort coach Pido Jarencio. “Mantakin mo naglaro ka bilang import? Tapos ilagay mo pa ‘yung experience na na-gain nila. Siguradong mag-i-improve pati laro nila.”

Sa ASEAN Basketball League, may Filipinos din na imports.

“Babalik at babalik dito mga ‘yan, at sa PBA rin ang bagsak,” panapos na wika ni Jarencio.

(Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.