Abante Tonite Interactive

Mga Pinoy bilib pa rin sa US

By
0 138
Binigyang-katwiran ng Malacañang ang resulta ng Pulse Asia na mas pinagtitiwalaan ng mga Pilipino ang Amerika kaysa China.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na naiintindihan ng Palasyo kung bakit mas may tiwala ang mga Pinoy sa Amerika kumpara sa China dahil nasanay na sa Amerika na matagal ng kaalyado ng bansa.

 

Bukod dito, mara­ming mga Pilipinong nakatira at nagtatrabaho sa Amerika at nakikinabang ang mga kamag-anak nila sa bansa sa mga pinag­paguran ng mga kaanak sa Estados Unidos.

 

Pero kalaunan aniya ay makikita rin ng mga Pilipino ang sinseridad ng China partikular sa mga pinasok na kasunduan sa gobyerno at bakasakaling magbago ang pananaw sa nabanggit na bansa.

 

“It’s understandable for Filipinos to feel that way, because ngayon pa lang eh. Because we’ve been used to the States being our ally, so mas sanay tayo sa America. Siguro as we go along at nakita nyo yung sincerity ng China, with respect to agreements between the two countries eh baka mabago yung kanilang pana­naw,” ani Panelo.

 

Naniniwala ang kalihim na matatanggap rin ng mga tao ang mga bagay na hindi nila nakasanayan lalo na ang mga naibigay na tulong ng China sa bansa.