Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Pinoy: Buy local, go local

0 308

Hinikayat ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang mga Pilipino na bilihin ang mga produktong gawa sa sarili nating bansa para makatulong na ibangon ang ekonomiya mula sa krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Inihayag ni Lopez sa Laging Handang briefing, Huwebes ng tanghali, na layon ng kanilang pambansang programang “Buy Local, Go Local” na palakasin sa merkado ang mga produktong gawa sa Pilipinas lalo na ang mga maliliit na negosyo.

“As we patronize our locally-produced products, ang nabubuhay po diyan ay `yong mga local companies na may local employment,” ani Lopez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.