Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Pinoy celeb na tinamaan ng COVID-19

0 109

NI: ARCHIE LIAO

Sa pagwawakas ng 2020, patuloy pa rin ang pakikipaglaban ng sambayanan sa pandemyang dala ng COVID-19, lalo pa’t wala pa ring napapatunayang ligtas na bakuna sa bansa.

Nariyan pa rin ang abiso ng DOH ang ibayong pag-iingat at ang pag-oobserba ng minimum health protocols, tulad ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face masks at shields, pag-iwas sa matataong lugar at pagpra-practice ng physical distancing na magiging norm na ng ating pamumuhay.

Bagamat traumatic sa karamihan, maganda ring gunitain natin ang mga taong naging matagumpay sa pakikibaka laban sa mapamuksang corona virus.

Ang kuwento nila ay puwedeng kapulutan ng inspirasyon kung paano nila nalagpasan ang krisis sa kanilang kalusugan.

SM food to go Banner Ad

Sa showbusiness, ilan sa mga artistang nagpositibo sa Covid ay sina Iza Calzado, Christopher de Leon, Bong Revilla, Sylvia Sanchez, Jon Lucas, Michael V, Kakai Bautista, Enzo Pineda, Baninay, Nina Jose, Howie Severino at Donita Nose.

Umamin din sina Allan K, Wally Bayola na nagpositibo sila sa coronavirus.

Sa larangan naman ng politika, nariyan sina Senador Migz Zubiri, Koko Pimentel, Sonny Angara, Bato dela Rosa , dating senador Bongbong Marcos at Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Sa pamamagitan naman ng masusing atensyong medikal, pag-oobserba ng quarantine at mga panalangin, napagtagumpayan nila ang kanilang laban sa Covid-19.

Nakapanlulunos naman na meron ding binawian ng buhay dahil sa kumplikasyong dala ng novel corona virus.

Ilan sa mga sikat sa mga personalidad na namaalam ay ang character actor na si Menggie Cobarrubias, ang OPM singer na si Joey Bautista, ang fashion designer na si Ino Curata, ang internet star na si Lloyd Cadena at Pinoy Youtuber na si Emman Nimedez ,dating senador Heherson Alvarez at dating Manila Mayor Alfredo Lim. ( Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.