Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Pinoy egamer wagi sa Dota, ML

0 218

Muling pinamalas ng Pilipinas ang husay sa electronic sports o eSports makalipas dominahin ang US$5,000 Razer Southeast Asia Invitationals 2020 noong Linggo ng gabi.

Kinatawan ng Bren Esports sa Mobile Legends: Bang Bang at Neon Esports sa Dota 2, binigo ng dalawang koponan ang Vietnam Vec Fantasy Main sa ML:BB at 496 Gaming sa Dota 2 sa best of five format na finals sa parehas na resultang 3-2 upang tanghaling mga kampeon.

Umiskor din ang mga Pinoy electronic gamer o egamer ng medalyang ginto sa Dota 2 at ML:BB ng 2019 Southeast Asian Games noong Disyemvre sa bansa. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.