Abante Tonite Interactive

Mga Pinoy excited sa pagdating ni Park Ji Hoon

ANNYEONG

By
0 162

Sa March 15 ay darating sa bansa ang isa sa miyembro Wanna One. Dahil disbanded na nga sila since they only had limited time as a group base sa kanilang kontrata, lahat sila ay nagde-debut na bilang mga solo artist.

Ang PULP Live ang magdadala kay Park Ji Hoon ngayong Biyernes. Bahagi ito ng first-ever solo Asian fan meeting niya, ang 2019 Park Ji Hoon Asia Fan Meeting­ in Manila “First Edition” na magaganap sa Smart Araneta.

Love ng mga fan si Ji Hoon dahil daw sa visuals at talents nito.

Abante Hiring – IT dep

Sa isang artikulo sa koreaboo.com, may reporter from Taiwan na nagkaroon ng pagkakataon na maka-interact siya. Sinubaybayan ang idol para raw makita talaga ang totoong ugali nito on and off-cam.

At sa inilabas na artikulo ng reporter, walang duda na positibo at na-impress ito sa na-discover niya sa singer.

Ayon dito, “He’s such a well-mannered celebrity. On his way to the bathroom, he ran into a reporter he interviewed with, and he greeted him with a smile.
He’s more energetic when he’s off camera than on camera. Whenever he’s done with a shoot or an interview, he claps really hard once and shouts ‘Yay!’ He’s so cute that the room is always full of reporters and staffs’ laughter.

“When you meet him, you notice how much tal­ler he really is in real life and how his photos don’t do his handsome visual any justice. He has the most beautiful eyes that I forgot how to speak when we made eye contact.”

Katatapos lang ng fan meeting ni Ji Hoon sa Taiwan. Next na nga ang Pilipinas na nga­yon pa lang, excited na ang mga fan niya from the Philippines at ibang Asian countries na maka-interact ito.