Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Pinoy `lakad mode’ makapagtrabaho lang

0 269

Maraming Pilipino ang nagsabing mas hirap sila sa pagpasok sa trabaho ngayon kumpara noong wala pang pandemya.

Sa Nov. 21-25, 2020 survey ng Social Weather Stations na inilabas ang resulta ngayong Biyernes, 42% ng mga Pilipino (na hindi home-based ang trabaho) ang nagsabing “napakahirap” ang pagpasok nila sa trabaho habang 28% ang nagsabing katulad din ito ng dati.

Tinanong din ang may 1,500 respondents kung anong uri ng transportasyon ang madalas nitong ginagamit pagpasok.

SM food to go Banner Ad

44% ang nagsabing naglalakad lamang sila, na siyang pinaka-karaniwang paraan ng pagtungo sa trabaho.

Sinundan ito ng motorsiklo (24%), tricycle (14%), jeepney/multi-cab (8%), bisikleta (5%), bus (3%), private car (3%) at motorboat/banca (1%).

Paglalakad din ang pinaka-karaniwang paraan ng pagpasok sa trabaho sa Mindanao sa 58%. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.