Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Pinoy lalakas loob ‘pag tinurukan health worker – Palasyo

0 73

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kumpiyansa sila na magpapalakas ang tiwala ng publiko sa mass vaccination laban sa COVID-19 kapag nagpaturok ng bakuna ang mga healthcare worker.

“We are confident that many of our healthcare workers would get themselves inoculated to boost public confidence in our mass vaccination program against the coronavirus,” pahayag ni Roque.

Kasunod ito ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na maaaring gamitin ang Sinovac vaccine ng China para sa mga COVID-19 healthcare worker.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, ang approval na ito ng National Immunization Technical Advisory Group at Technical Advisory Group ng Department of Health ay nagbibigay kasiguraduhan na ligtas ang Sinovac sa mga Pinoy healthcare worker.

Una nang inanunsyo ng Malacañang na sa Linggo inaasahang darating ang donates 600,000 dose na donasyong bakuna galing China. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.