Abante Tonite Interactive

Mga Pinoy lifter nag-uwi ng 18 ginto sa Down Under

213

Humakot ang Philippine Po­werlifting Team ng 18 gold at 2 silver medal kasabay ang pagtanghal sa anim na miyembro ng Best Lifter sa 2019 Asia Pacific Classic, Equipped Powerlifting and Bench Press Championships noong Marso 12-17 sa Gold Coast, Australia.

Pinagbandahan ng Nationals ang kahusayan at tibay kahit pagod pa sa pagsali sa ibang torneo upang maging matagumpay ang kampanya sa anim na araw na buhatan.

Nanguna sa atake ng mga Pinoy si Joyce Reboton sa pagsubok sa ilang beses sa Asian record sa women’s 84kg class bago itinala ang 197.5kg sa squat at 192.5kg deadlift. Mayroon din siya sa bench na 92.5kg para sa total 482.5kg na naging isang Asian Open record tungo sa gold.

Abante Hiring – IT dep

Tinanghal na women’s open best lifter awardee si Reboton sa raw powerlifting at isa pang kaparehas na karangalan para sa Combined Men & Women Open.

Binura naman ni Aeron Paul Casamayor ang 5-taong deadlift record sa 53kg Junior class sa lift na 188kg. Itinala din niya ang 135kg sa squat at 90kg sa bench press para sa total na 413kg at gold. Wagi rin si Casamayor ng Best Lifter award sa jrs. equipped powerlifting. (Lito Oredo)