Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Pinoy na papuntang Singapore hinigpitan

0 554

Kinakailangang sumailalim muna sa 14 na araw ng quarantine at COVID-19 test ang mga overseas Filipino worker na papuntang Singapore.

Sa abiso ng Philippine Overseas Labor Office-Singapore (POLO-SG) nitong Sabado, pinaalala sa mga accredited employment agency ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at mga employer/principal ang karagdagang responsibilidad nila at ng mga OFW na papasok sa host country.

Nakasaad umano ito sa abiso na inisyu ng Ministry of Manpower kung saan ang isang Pilipino na nanatili ng `4 na araw sa Pilipinas at pupunta sa Singapore ay kailangang sumailalim muna sa 14 araw na quarantine pagkatapos ay dapat magpa-COVID test.

Leave A Reply

Your email address will not be published.