Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Pinoy naniniwalang nilihim ang virus outbreak

0 348

Maraming Pilipino ang naniniwala na nilihim ng China ang mga impormasyon tungkol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na unang kumalat sa naturang bansa, partikular sa Wuhan.

Base ito sa July 2020 national mobile phone survey ng Social Weather Stations na isinapubliko nitong Martes kung saan lumalabas na 61% ng mga respondent ang naniniwalang hindi binunyag ng China lahat ng impormasyon nito na may kinalaman sa COVID.

Nakapagtala naman ng 23% na hindi makapaniwala sa mga alegasyon laban sa China hinggil sa COVID-19 habang 15% ang hindi makapagpasya sa nasabing isyu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.