Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Pinoy pwede na mag-abroad

0 519

Maaari nang bumiyahe ang mga Pilipino na nais lumabas ng bansa.

Ito ay makaraang aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases ang resolusyon para sa mga non-essential na mga biyahe.

Gayunman, nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na may mga requirements na dapat ipakita ang mga bibiyaheng Pinoy sa Bureau of Immigration (BI) bago sila makalabas ng bansa.

“Lahat ng travel restrictions na may kinalaman sa outbound travel ng mga Pilipino ay inalis na rin po,” ani Roque.

Kabilang sa mga requirements, ayon kay Roque ay pagpapakita ng confirmed roundtrip tickets sa mga biyaheng may tourist visas at dapat may travel at health insurance.

Kailangan din ang isang travel risk declaration na batid nila ang mga aberya sa biyahe gaya ng delay of flights pabalik ng bansa.

Pagbalik ng mga Pilipino sa bansa, sinabi ni Roque na kailangang sundin ang guidelines gaya ng pagsailalim muna sa quarantine habang hinihintay ang resulta ng PCR test. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.