Abante Tonite Interactive

Mga Pinoy sa Iraq pinag-iingat sa terror attack

239

Patuloy na mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA, sa pamamagitan ng Phi­lippine Embassy sa Baghdad ang sitwasyon sa Kurdistan Region sa Iraq na ikinasawi ng tatlong katao.

Base report ng Philippine Embassy, isang Turkish diplomat at dalawa pang diplomatic staff ang namatay sa pamamaril sa isang restaurant sa Erbil ng nasabing bansa.

Dahil sa insidente, hiniling ng embahada sa mga miyembro ng Filipino Community sa rehiyon, gayundin ang mga naglalakbay doon, na mag-ingat sa mga potensyal na banta sa kanilang se­guridad, manatiling low profile, at iwasan ang pakikilahok sa mga public demonstration.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa Embahada ng Pilipinas, napaulat na ang tatlong nasawi ay sa isang restaurants nito lamang Hulyo 17.

Sa ngayon ay patuloy pa rin naka-monitor ang DFA sa nangyayari doon sa nasabing bansa. (Armida Rico)