Abante Tonite Interactive

Mga Pinoy sa Japan tinututukan sa lindol

322

Patuloy na minomonitor ng Philippine Embassy sa Tokyo at ng Consulate General sa Osaka matapos ang 6.8 magnitude na lindol na tumama sa Yamagata Prefecture sa Northern Japan kamakalawa ng alas 10:30 nang gabi, oras sa Japan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), batay sa record ng Philippine Embassy sa Japan nasa 815 registered Filipino sa Yamagata Prefecture kung saan tinamaan ng lindol.

Kaugnay nito mahigpit na naka-monitor ang Embahada ng Pilipinas sa sitwasyon ng mga Pilipino sa lugar at nakahanda na sa posibleng mga nanga­ngailangan ng tulong.

Lahat ng embahada at konsulada ay agad maglalabas ng advisory sa mga lugar kung saan

may mga Pilipinong naapektuhan sa naturang pagyanig.

Ang Japan Meteorological Agency (JMA) ay nag-isyu na rin ng tsunami alert sa Coasta­l areas ng Yamagata Prefecture, sa Niigata at Ishikawa Prefectures kasunod ng lindol. (Armida Rico)