Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Pinoy sa Lebanon libre pag-uwi

0 296

Muling bubuksan ng Philippine embassy sa Beirut, Lebanon ang pagrehistro para sa libreng voluntary mass repatriation ng mga Pilipino sa nasabing bansa simula Agosto 9 hanggang 16.

Dahil dito, hinimok ng embahada ang mga Pinoy sa Lebanon na magtungo na sa kanilang tanggapan para magparehistro sa gagawing repatriation.

Nilinaw ng embahada na sagot ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat ng gastusin sa pagpapauwi sa mga Pinoy sa ilalim ng mass repatriation program.

Nilinaw din ng embahada na wala silang pinahintulutan na kahit sinong tao, ahensya o grupo para mag-isyu ng tiket na may bayad para sa mga uuwing Pinoy.(Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.