Abante Tonite Interactive

Mga Pinoy sa S’pore, starstruck kay Charo

By
18

AFTER her successful movie comeback via Ang Babaeng Humayo, may bagong pelikulang ginagawa si Ma’am Charo Santos-Concio with Direk Lav Diaz.

Nasa Singapore si Ma’am Charo para sa shooting ng pelikulang ‘yon na tungkol sa mga OFW (Overseas Filipino Workers).

Maraming mga Filipino raw ang nakakita kay Ma’am Charo sa airport ng Singapore ang na-starstruck sa actress.

***

Nagtungo ang mag-asawang Ormoc City Mayor Richard at Representative Lucy (Torres) Gomez kahapon sa Bench Tower office sa BGC (Bonifacio Global City).

Nag-pictorial daw ang mag-asawa kasama ang Bench big boss Ben Chan.

Starstruck pa rin sa mag-asawa ang mga taga-Bench kahit madalas silang magpunta roon.

Lumuluwas lang pala ng Maynila si Goma kapag may mga ganoong commitment.

Ang pangako ni Goma sa mga taga-Ormoc City noong kampanya last year ay priority niya ang lugar nila once na manalo ­siyang mayor, na siyang ginagawa niya.

Maraming TV and movie offers ang aktor na tinanggihan dahil hindi puwedeng matagal siyang mawala sa Ormoc City.

Ang alam namin, may isang TV network na nagbabalak na gumawa ng series na ang location ay Ormoc City para ­puwede nilang makuha ang serbisyo­ ni Goma.

***

After her Maalala Mo Kaya taping kung saan gumaganap siyang nanay ni Jake Zyrus (Charice Pempengco), may new series daw si Dina Bonne­vie sa ABS-CBN.

Makakasama niya rito sina Erich Gonzales, Ejay Falcon, Enchong Dee, Cherry Pie Picache, Louise delos Reyes at iba pa.

Louise Delos Reyes
Louise Delos Reyes

So, balik-Kapamilya network na talaga si Dina after magkaroon siya ng ilang shows sa GMA 7.

With this new series, patunay lang na mali ang duda ng iba na lilipat na si Ejay sa Kapuso network dahil mas identified sa nasabing TV network ang bago niyang manager.

Mukhang malaki ang role ni Louise sa bagong series na ito ng Dos, kaya after ng FPJ’s Ang Probinsyano ay mukhang mas bobongga siya rito.

Ang Viva Artists Agency na ang nagma-manage ng career ng ­dating GMA 7 talent.

***

Nagluluksa ang mga taga-CNN Philippines dahil sa pagkamatay kahapon ng news anchor/TV host nila na si Amelyn Veloso.

Ayon kay Gani Oro na nakasama noon ni Amelyn sa news program ng Channel 5 at sa Serbisyo All Access ng CNN Philippines, bandang 11:00AM yumao ang dati niyang ka-partner sa telebisyon.

Sa isang ospital sa Bonifacio Global City namatay si Amelyn.

“Wala pang official statement ang family sa cause of death. Pero Amelyn told me before na she is suffering breast cancer since 2 years ago.

“She passed away at 11:00 this morning in St. Luke’s BGC,” pahayag ni Gani nang makausap namin via Facebook messenger kahapon.

Sa pamilya ni Amelyn, ang aming pakikiramay rito sa Abante TONITE.