Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Pinoy scientist sinaluduhan sa US

0 43

Hinangaan sa Estados Unidos ang mga Filipino scientist dahil sa pagsusumikap sa mundo na malabanan ang human immunodeficiency virus (HIV) at tuberculosis (TB).

Pinapurihan ni United States (US) National Institute of Allergy and Infectious Diseases (NIAID) director Anthony Fauci ang mga Pinoy scientist dahil sa kahalagahan ng pananaliksik at kooperasyon ng Pilipinas at US.

“Talented Filipino scientists participated in multiple AIDS (acquired immunodeficiency syndrome) clinical research networks that have advanced the global understanding of HIV prevention, treatment, and care,” ayon kay Fauci sa ginanap na National Academy of Science and Technology’s (NAST) annual scientific meeting.

SM food to go Banner Ad

Biniigyan diin pa ni Fauci na tumulong ang mga ito sa pag-aaral partikular na sa multi-drug resistance TB.

Napakahalaga at promising aniya ang naging trabaho ng mga Filipino scientists sa Regional Prospective Observational Research on Tuberculosis.

Sinabi ni Fauci dahil sa patuloy na suporta mula sa Department of Science and Technology (DOST), nakatitiyak siya na ang Pilipinas ay magkakaroon ng importanteng kontribusyon laban sa TB.

“Given its track record, I can foresee great value in the Philippines expanding its scientific role in the Asia Pacific Region,” ani Fauci. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.