Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Pinoy top 1 ukay-ukay shopper sa ASEAN

0 159

Para sa mga Pinoy, ang pag-uukay ay tila naging parte na ng ating pamimili sa palengke dahil na rin sa mas murang presyo nito. Marami rin ang nagsasabi na ang mga produkto sa ukay ay mas matibay at ang ilan ay mula pa sa mga luxurious brand.

Katunayan, lumabas sa isinagawang survey ng Singapore-based Milieu Insight na ang mga Pinoy ang nangunguna sa pamimili ng mga secondhand na damit o ukay-ukay.

Humigit 8 sa 10 Pinoy o 83% ang nagsabing nagawa na nilang mamili ng ukay. Nanguna rin ang mga Pinoy sa nagsabi ng “love it” sa pamimili ng ukay (56%) habang huli naman tayo (4%) sa nagsabi ng “hate it”.

Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,000 na mamimili mula sa Singapore, Malaysia, Indonesia, Thailand, at Pilipinas. Dito rin nalaman na sa mga kalahok, 62 % ang nagsabi na nagawa na nilang mamili ng secondhand fashion at 28% dito ang umamin na nakakabawas sa gastusin sa pamimili ng bagong produkto ang paguukay.

Kung hindi mo pa nasusubukang mamili sa ukayan, ito na ang oras para gawin ito! Sa ngayon, marami na ang nagkalat na tindahan ng mga ukay na damit kung kaya’t madali na lang para sa’yo ang hanapin ang mga ito. Narito ang mga tips o kaalaman na dapat tandaan tungkol sa paguukay.

Una, hanapin ang ukay-ukay store na swak sa iyo. Marami ang tindahan ng ukay ngunit hindi lahat dito ay pare-parehas ang tinitinda. May mga nagtitinda lang ng mga sapatos, damit, o di kaya naman ay mga pants. Importanteng malaman mo ang mga gusto mo bago ka mag-ukay.

Importante rin na habang namimili ka ay magsuot ka ng komportable sa iyo. Hindi lahat ng ukayan ay air-conditioned kaya mas mabuting huwag magdamit ng makapal.

Isa pang diskarte tip ay ang pagtatanong kung paano ka makaka-discount. Kaibiganin ang shop owner! Sumunod naman, siguruhin na safe ang mga dala mong gamit. Mas maganda kung may kasama kang kaibigan—lalo pa kung gusto mo ring makasiguradong bagay sa iyo ang bibilhin mo.

Talaga namang naging parte na ng normal na buhay ng mga Pinoy ang pag-uukay at ang ating pagiging matipid ay nakatulong sa matalinong pagpili ng mga damit o bagay na nabibili sa ukay. Bilang huling tip, pwede mo ring subukan na ibenta ang sarili mong mga damit na tingin mo hindi mo na susuotin! (MJ Osinsao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.