Abante Tonite Interactive

Mga Pinoy Top 4 sa puyatan worldwide

228

Pasok ang Pilipinas sa ‘4th most sleepless country in the world’, base sa survey ng Sleep Cycle.

Base sa resulta, nakita na bawat Pinoy ay may average hours of sleep ng 6 hours and 30 minutes hanggang 6 hours and 45 minutes sa bawat araw na mababa base sa se­ven to nine hours of sleep a day na inirekomenda ng American National Sleep Foundation, kaya naman iniligay na ang Philippines ay isa sa most sleepless country in the world.

Base sa survey na isinagawa ng Sleep Cycle, isang application na nagmo-monitor ng bilang ng tulog ng mga tao, nakita na hindi sapat ang tulog ng bawat Pinoy base sa American National Sleep Foundation na kailangan ng pito hanggang siyam na oras ang sapat na tulog sa bawat araw.

Maaaring magdulot ng sleep deprivation na kaila­ngan bigyan ng sapat na atensyon dahil maaaring magdulot ito ng sakit sa mental at physical health.

Maaari ring magdulot ng short-term and long-term memory problems, mood swings, anxiety and depression, inability to focus, weight gain, at iba pa.

Ibinigay na rekomendas­yon ng natural sleep expert na kailangan ng sapat na oras ng tulog para mapunan ang mga kalusugan ng katawan.

“If there’s some feature of your bedroom that’s disrupting your sleep, change it,” ayon kay Dr. Catherine Darley.

Makatutulong din na gumamit ng komportableng bed and linens at maglagay ng madilim na kurtina sa bintana para mapunan ang sapat na tulog at manumbalik ang sigla ng katawan.

Samantala, nangunguna sa most insufficient amount of sleep ay ang Japan, South Korea, at Saudi Arabia. (Vick Aquino)