Abante Tonite Interactive

Mga Pinoy worker unahin sa online casino kaysa Chinese

225

Iginiit ng isang grupo ng mga manggagawa na bigyan ng prayoridad ang mga Pilipino sa mga trabahong alok ng mga online casino bago kumuha ng mga empleyadong Chinese.

Ayon kay Allan Tanjusay, tagapagsalita ng Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Phi-lippines (ALU-TUCP), nakakalungkot na napupunta lamang sa mga Chinese ang trabahong inaalok ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Mas mainam aniya kung mas maraming manggagawang Pilipino ang makakapasok sa mga online casino kaysa mga Chinese.

Giit ni Tanjusay na gawing 75% ng mga Pilipino ang nagtatrabaho sa mga online casino at 25% lamang ang mga Chinese.

Sinabi pa ni Tanjusay na marami kasi ang maaapektuhan sa pagyabong ng POGO katulad ng mga nasa call center at business processing outsourcing kung kaya’t marapat lamang na gawing prayoridad ang pagkuha ng mga manggagawang Pilipino sa mga online casino.