Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga player balik gym sa Jan 18

0 328

May paalala si PBA commissioner Willie Marcial sa lahat ng players na sasabak sa praktis: Sumunod sa protocols.

Nakumpirma ang unang report na posibleng matuloy ang balik sa gym ng players sa Lunes, Jan. 18.

Dumarami na naman ang mga kaso ng COVID-19 kaya kailangan ang mahigpit na pagsunod sa guidelines tulad ng inilatag ng IATF bago itinuloy ang Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga.

SM food to go Banner Ad

“Dapat, kung ano mga nilatag na protocols, sundin,” giit ni Marcial. “Kung ano mga nandiyan na protocols at ‘yung mga darating pa. Dapat lahat ‘yun masunod para sa ikabubuti ng lahat.”

Mas marami pang health protocols ang inaasahang parating pagkatapos ng meeting ng league officials at GAB.

“Sina (deputy commissioner) Eric Castro and (league legal counsel) Atty. Melvin Mendoza,” sagot ni Kume sa makikipag-meeting sa GAB. “Pag-uusapan nila ang mga dagdag na protocol, kung paano (implementation).” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.