Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga player barbero ang hirit kay Marcial

0 327

Sa magdadalawang linggo ng PBA delegation sa Clark Freeport and Special Economic Zone bubble, may isang request ang players kay commissioner Willie Marcial.

Barbero.

Kailangan din anila ng good grooming, maliban sa mga nagpapa-long hair.

“We have received requests for that and we’re considering that,” ani Marcial nang mag-guest sa online session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung walang laro o ensayo sa kalapit na Angeles University Foundation gym, nasa Quest Hotel lang ang players.

Malamang every two weeks ang gupitan ng mga gustong mapanatiling maigsi ang buhok.

Mahigpit ang pagpapatupad ng health protocols, ikinukonsidera rin ang additional disinfection ng gym. Kasama na rito ang ibang pagkakaabalahan ng players.

“Other things to do for the players like video games or some aqua sports,” dagdag ni Marcial sa session na mga hatid ng San Miguel Beer, Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, PAGCOR, Upstream Media at Smart.

“Some have gone to play golf or swimming. But so far, there are no major concerns,” panapos wika ni Kume. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.