Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Player kulong muna sa kuwarto

0 153

Clark Smart Giga City – Pinigil pansamantala ang lahat ng laro ng PBA Philippine Cup sa Smart 5G-powered AUF Arena, pero tuloy ang ibang aktibidad sa loob ng Clark Freeport and Economic Zone.

Advisory ng PBA:

“All activities inside the hotel: swimming, gym, billiards, jogging walking, etc. to proceed as is.”

Hanggang doon lang muna sa Quest Hotel ang buong delegasyon ng PBA na pinapangunahan ni Commissioner Willie Marcial nasa Pampanga bubble.

Nangangalahati na ang 11-game eliminations, sakto sana sa target ng liga na tapusin lahat sa Nov. 11 para dumiretso sa playoffs. Base sa unang plano, pinakamatagal ang Dec. 15 na may kokoronahan nang kampeon sa bubble.

Base sa rekomendasyon ng IATF at DOH at para masiguro ang safety ng PBA bubble ay pinostpone ng liga ang mga laro umpisa nitong Biyernes.

Isang player ng Blackwater ang nag-positive sa COVID-19 kaya ipina-isolate ang buong team, pati ang TNT na nakaralo ng Elite noong Oct. 22.

Nag-negative na sa confirmatory tests ang player, pati ang buong Blackwater at Tropang Giga teams. Nakapaglaro na nga ang TNT noong Huwebes, ang 109-98 loss sa NLEX.

Itutuloy ang mga laro kapag lumabas na ang bagong protocols na ilalatag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at Department of Health.

Bukod sa mga laro, suspendido din muna ang scheduled practices ng teams sa AUF gym. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.